Gaano nga ba kalaki ang 500 daang libo?
Noong nakaraang buwan, naging napakalaking kontrobersya ang nabalitaang “panunuhol” ng Malacanang sa mga kongresista at gobernador na dumalo sa isang pag pupulong na naganap sa Palasyo.
Ayon sa pagbubulgar ng paring nagging gobernador na si Ed Pallilio, sya ay inabutan (o ang kanyang opisyal na tauhan) ng isang supot na naglalaman ng kalahating milyon.
Hindi nakakapagtaka na magulat at maguluhan ang gobernador pagkat hindi nya alam kung para saan at anung dahilang kung bakit sya nabigyan ng ganung halaga.
Sa ngayon ay samut sari na ang mga pagpapaliwanag at pag e esplika kung kanino at para saan nga ba galing ang halagang natangap na maykalakip ng “tagong pabor?”
At ang mas nakakalungkot (o nakapang gi gigil) ay ang mga pulitikong nag sasabi na wala raw masama sa pag tanggap ang ganung halaga, lalo’t nat bigay daw iyon? (Hindi bat bigay din inyong perang pinagtatalunan kaya na kulong at napatalsik si Erap?)
Malamang me punto sila, lalo na at ang nasabing halaga di umano’y gagamitin sa pagtulong sa mga proyekto sa pagpapalakad ng mga distrito at probinsya…
Ngunit, ang tanung, gaano ba talaga kalaki ang kalahating milyon, ilang eskwelahan ba ang maari mo maipagawa sa halagang ito? Ilang kabang bigas ang kaya nitong bilhin? Ilang tulay ang kaya nitong ipakumpuni? Ilang gamut at maaring bilihin?
Sapat na ba ang dami ng mga ito upang msabing malaking tulong ito sa pag uumpisa ng isang bagitong gobernador tulad ni Ed Pallilio? O mallit itong tulong, ngunit malaking suhol?
Tuesday, November 13, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)