Thursday, August 12, 2004

The WORKS of BOB Ong

I first encounter the black book last year, when my sister brought it home with her... now im that type of person that love reading "easy read" books -books na hindi mo kailanang na may bit-bit laging dictionary para lang maintindihan yung bawat naka katha dun sa libro... Well IMO the black books is the coolest book out of the three works of Mr. Ong. Dahil sa sadya namang mahuhulog ka sa silya kababasa nito... pero... mas na appreciate ko yung dilaw na libro dahil sa napapnahon ito para sa akin... nitong nakaraan na buwan... kinastigo tayo nang mundo dahil sa pag -diumano- yuko natin sa mga terrorista nang bihagin nila si Angelo dela Cruz...at hilingin na pauwiin ang mga sundalong Pilipino na nasa Iraq...(para sa hindi nakakaalma, Humanitarian reason kung bakit tayo nandun at hindi tulad nang maliit na bansa (na galing Africa?) na nabangit sa akin (nakalimutan ko yung bansa pero ippost ko rin next time) na ang pinadalang sundalo ay for combat mission Bakala daw tayo, walang mga bayag, dahil sa pag atras natin sa Iraq. nang binabasa ko ang dilaw na libro, nasabi ko sa sarili ko, isa na naman ba to sa masasama sa napakahabang listahan nang kahihiyan para sa bansa? Nang binasa ko pa ang ibang nakasulat sa dilaw na libro, natatawa ako na naiinis pagkat nakikita ko sa katha ni Bob Ong kung ano talaga yung reaksyon nang pilipino/pilipinong nasa Amerika at Fil-Am tuwing napapahiya ang bansa...

(i usually post in the Pinoyforum which i really think is misnamed for the place is compose of Americans leaving in the Philippines and Filipinos leaving in America.)

Dito ko nadama kung gaano kagalit yung mga fil ams sa atin sapagkat sinagip ni Gloria si Angelo dela Cruz at tinaraydor ang bansang amerika sa ating sumpa na kasama tayo sa "coalition" Bakit nga ba laging saliwa ang nagiging role natin sa mundo bilang bansa, bakit nga ba nakakapagod maging Pilipino PEro mas nakakapagod pag pilit mong pinagtatangol sa ibang lahi yung pagka pilipino mo gayong taalaga namng wala kang kinalaman sa mga pangyayari... tulad nang nabasa ko sa dilaw na libro, nang tanungin yung isang mama nang isang africano na sa Pransya, "are you abu sayaf" (retarded noh?) Nakakapagod ipamukha sa mundo na 85 million ang filipino at 50 lang ang abu sayaf nakakapagod na ipaliwanag na 85 milyon ang filipino at isa lang yung gumawa nang ilove you virus nakakapagod ipaliwanag na 85 milyon ang filipino at isa lang yung nang holdap na geroplano at tumalon gamit ang home made parachute... --- Binili ko yung libro ...ung itim dahil gusto ko maaliw, pero hindi ko alam na tutulong ito para mamulat ako sa role nang diyos sa buhay nang tao Binili ko yung berdeng libro, kasi na sira yung lrt na sinasakyang nang gf ko at wala akong magawa, pero hindi ko naiisip na tutulong ito upang sariwain ko ung buhay estudyante at ang pagiging sagrado nang mga guro... binili ko ang dilaw na libro para, wala lang...para mamulat pang muli

No comments: